Isinulat ni: Neil Dominic De Luna, Graphic Artist

Noong Hulyo, dumayo kami sa Haven for Children para isagawa ang Pop Up Gives Back, ang programang pang-CSR ng TeamAsia. Ito ay ginaganap taun-taon upang maibalik ang mga biyayang ipinagkaloob sa kanila ng Maykapal at makatulong din sa mga nangangailangan.

Naghanda ng masasayang palaro ang TeamAsia at naghandog din ito ng mga makakain para mapagsaluhan ng bawat isa pagkatapos ng mga kasiyahan. Matapos ang mga inihandang gawain at pakain, nagbahagi ng isang makabuluhang pananalita ang presidente ng TeamAsia na si Monette Iturralde-Hamlin. Pinaalalahanan niya ang mga bata na huwag susuko at magpatuloy sa laban ng buhay.

Unang beses kong makadalo sa Pop Up Gives Back at sobrang saya at makabuluhan ito dahil nakita ko ang ngiti at saya ng mga bata sa mga mukha nila.

Naging bahagi ako ng palaro, nakisama sa mga bata, at nakipagkilala sa kanila. May ilang pilyo ngunit masiyahin, at meron din namang mga tahimik at ‘di makabasag pinggan ngunit game na game parin.

Naging makabuluhan ang buhay ng mga oras na iyon, dahil madalang dumating ang pagkakataon na makakapagpasaya ng ibang tao sa ganong paraan. Iba yung pakiramdam na nakikita mong ngumingiti sila dahil sa’yo. Para sa akin, mas masarap makapagpasaya kumpara sa ikaw lang yung masaya at tumatawa, dahil binibigyan ka rin nito ng ginhawang ‘di mo matatamasa mula sa materyal na mga bagay. Sa bawat sulyap ko sa kanila, mas naghahangad akong makatulong pa sa iba.  Mas nabigyan nito ng apoy ‘yung nagbabaga kong kagustuhan na maglaan ng panahon na tumulong at makapagpabago ng buhay ng ibang tao.

Ganap na kagalakan ang nadama ko noong araw na iyon ngunit mas namayani yung mga tanong na umikot sa aking ulo kung bakit, ano, at paano. Sa ngayon, ang importante ay may nag-aaruga sa kanila at nasa mabuting kamay sila.

Silipin sa ilalim ang mga litratong nakuha ng TeamAsia mula sa programa:

Ang Creatives, Marketing, Accounts, at Experience Team bago magsimula ang laro
Si Patrick,Meynard, ako, at si Emerson
Si Camille, Mazee, Clah, Rai, Kris, at Shane
Si Meynard at ako, dala ang mga premyo sa laro
Si Anna na ipinapaliwanag ang mga panuntunan ng laro
Si Florence, Steph, at si Dezza Superstar
Ang Content team
Sobrang tuwang tuwa yung mga bata habang naglalaro kami
Nagdala rin kami ng pagkain para sa mga bata
Ang TeamAsia family kasama si Jollibee, ang beeda ng salo-salo

TeamAsia Intern

Recent Posts

What are the Youtube Advertising Costs in the Philippines?

TV used to play a huge part in every family. Before, families gathered around their…

3 months ago

How to Do Gen Z Marketing in the Philippines

Hey besties! Are you ready to hear all the tea about Gen Z marketing? Ngl…

5 months ago

What are the Best Selling Products in the Philippines?

The Philippine market is as diverse as its seven thousand islands. Every region has a…

6 months ago

The Pip of Love and the Fruits of Diversity

By Tope Z Vargas The dictionary definition of a pip is a small fruit seed…

7 months ago

How to Succeed in Online Selling in the Philippines?

Imagine stepping into one of the largest malls in the Philippines. You go along beautifully…

7 months ago

‘It’s time’: TeamAsia announces new leadership on 32nd anniversary

By Ralph Hernandez Muntinlupa-based award-winning strategic integrated marketing agency TeamAsia has named managing director Bea…

8 months ago

This website uses cookies.